Punung-puno ako ng sandamakmak na kashit-an nung isang linggo. Lahat yata ng puedeng sabihin ng isang taong hindi alam ang gagawin sa isang bagay o sitwasyon na kinasadlakan nya ng hindi e nasabi ko sa sarili ko. Pagkainis sa sarili, kawalan ng pag-asa, hindi pagtupad sa pangako at kung anu-ano pa. Lahat ‘yan nakilala ko ng dahil lang sa simpleng problema na pangkaraniwan sa iba. Pero may hangganan ang lahat ng problema sa mundo kaya ngayon masasabi kong ayos na ulit ang daloy ng buhay ko. Tapos na ang unos, nagpakita na ulit ang haring araw sa buhay ko at higit sa lahat nakakangiti na ulit ako.
Oh sya, tama na ang pagasgas. Magku-kwento muna ko tungkol sa mga kaganapan ngayong linggo.
Dalawang araw walang pasok kaya Miyerkules na nung mag-balik
eskwela ako. Si Lotus Feet ang prof nung araw na ‘yun pero tulad ng nakasanayan hindi
na naman nya kami sinipot. Kung puede nga lang pagkakitaan ang bawat araw na hindi ko sya nakikita (sa bawat meetings na meron kami) baka lahat ng showing na pelikula sa sinehan ngayon napanood ko na. Sa totoo lang, nagtataka ako kung bakit nya naisipang maturo kung ganitong asal rin lang ang ipapakita nya. Sana hinayaan na lang nyang ibang tao ang humawak pribilehiyong tinatamasa nya ngayon. Dapat sana iba ang daloy ng kwento. Walang maaasar sa kanya, walang magsasabing tamad sya at higit sa lahat wala sanang magbabansag na katulad nyang maglakad si Lotus Feet. Baliw. Pero bahala sya, buhay nya naman 'yun at malaki na sya. 'Yun nga lang, hindi maipagkakaila na kami talaga ang talo sa senaryong 'to.
Pagkatapos ng bigong pakikipagsapalaran, gumala ako kasama ng ilang kaibigan. Sobrang saya nung mga sandaling 'yun. Pagkatapos kasi ng mahabang panahon napakanta ulit ako sa harap ng ibang tao ng hindi nahihiya. Gano'n talaga siguro kapag komportable ka sa mga taong kasama mo. Mawawala lahat ng hiya mo sa katawan at mas magiging totoo ka sa harap nila. Bale, 95 ang score ko sa videoke at 'How Deep Is Your Love' by Bee Gees ang kinanta ko. Mas mababa 'yun kung ikukumpara sa score ng mga kasama ko. Naka-96 silang lahat at akala ko fixed ang score sa 96, pero mali ang hinala ko kaya naging tampulan ako ng tukso pagkatapos. Oh, di sila na. :)
Kinabukasan. Huwebes.
Midterm exam sa Digital Design at sa pagkakataong 'to written naman. Tulad ng dati, bumalik lahat ng takot na nararamdaman ko. Pero this time nag-aral na ko. Ang problema lang, hindi pa rin ako sigurado kaya tanggap kong malabo akong makapasa pero buti na lang naghimala si Nora Aunor at tinulungan nya ko. Ito rin pala ang pagpapatuloy ng kwento tungkol sa paglalakbay ko kung paano naresolba ang problema ko sa breadboard circuit nung nakaraan. 90% ang nakuha kong grade dito dahil sa tulong ng isang kaibigan. Taos puso ko syang pinasalamat. Sa facebook, sa text at maging personal. Tangina. Salamat talaga.
Kinabukasan. Biyernes.
Nagtake ako ng exam sa Differential Calculus. Midterm rin. Hindi ko alam kung papasa ako pero tingin ko naman hindi ako makakakuha ng zero. Sana. Bumili rin pala ako ng libro. Make Believe Love. A Novel. Lee Gowan. Hindi ko pa nababasa. Hindi ko pa kasi tapos 'yung librong Amapola.
The End.
Ikaw, kamusta naman ang buong linggo mo? Wala ng pasok. Tara inuman tayo. Loko lang. :P
No comments:
Post a Comment