Dalawang magkasunod na araw ko ng naririnig na nagwawala sa galit ang
asawa ni Mang Boy. Kadalasan, bago tuluyang magpaalam ang linawag. Magkadikit lang ang sementong pumapagitan sa bahay namin kaya
hindi imposibleng marinig ko lahat ng sigaw, hinanakit at galit na lumalabas sa
bibig ng asawa nya. Maliban na lang siguro sa physical torture tulad ng hampas na
may kasamang sampal.
Sa pagkakataong ito, tungkol sa pag-ihi ni Mang Boy ang issue ng matanda. Napaihi yata ito sa sahig na syang naging dahilan para sumiklab sa galit ang dragon na nag-aalalaga kay Mang Boy. Kung pagbabasehan ang mga narinig ko, daily routine yata ni Mang Boy ang umihi sa arenolang ‘yun bago matulog. Pero dahil sa dami ng sakit na nararamdaman ng matanda at hindi na rin gaanong nakakatayo ng walang umaalalay, pati siguro simpleng pagpigil ng ihi e nahihirapan na ito.

“Hayop ka Boy!”
“Lagi mo na lang akong pinapahirapan!”
“Sinasadya mo ba talagang umihi dito?”
“Hayop ka!”
“Diba sabi ko sayo sa arenola ka umihi! E bakit hindi mo ginawa?”
“Hayop ka... hayop ka Boy!”
‘Yan ang mga salitang
paulit-ulit kong napakinggan... mga salitang akala mo wala ng katapusan. Sa bawat katahimikan na pumapagitna sa
kanila, natatahimik rin ang kalooban ko, at sa bawat sandaling 'yun, wala akong ibang hiling kundi sana tumigil na rin sila. Tumigil sa
pagsigaw, tumigil sa pagmumura at tumigil sa pananakit.
Nagkwe-kwento na naman ako ng buhay ni Mang Boy at tingin ko hindi pa ito ang huli.
No comments:
Post a Comment