Wednesday, December 26, 2012

Solo Playt

Gusto ko na sanang matulog pero ayaw akong patahimikin ng utak ko kaya heto't nagsusulat ako. Kumain ako kanina ng Ferrero Rocher dahil tom jones na talaga ko. Binigay 'yun ng pinsan ko habang naghuhugas ng kawali at sabi nya 'yun na ang pamasko niya sa akin. Syempre matik agad 'yung thank you.

Maiba lang ako, mamaya aalis 'yung kapatid at pinsan papuntang Oriental, Mindoro dahil do'n sila magpapasko at magbabagong taon. Sagot ni tito 'yung pamasahe nila. Uuwi rin 'yung bunso kong kapatid na bababe pero this time 'yung tita ko naman ang manlilibre sa kanya. Well, kung may magtatanong kung kasama ba ako e pasensya dahil hindi ang sagot ko. Walang nagyaya sa akin kaya kaming tatlo lang sa bahay nila erpat ang magce-celebrate ng christmas at new year, na okay lang naman dahil may chance na kong mag feeling "only child" sa bahay.

Mas madaling maka-score ng pang gala dahil wala akong kaagaw.

(Bella Flores laugh)

Tuesday, December 4, 2012

Long time, No See

Maaga akong umuwi galing sa school ngayong araw kaya naisipan ko magkwento muna ng mga nangyari sa buhay ko nitong mga nakalipas na linggo. Masyadong maraming aksyon at muntik na kong hindi makabangon sa mga bakbakan na madalas eh sa school nangyari.

Ngayon ko na lang ulit naranasan magkaroon ng 7AM to 7PM schedule na patayan. Ngayon ko na lang ulit nasariwa ang kaalaman ko sa C++ at Java Programming na medyo nagbibigay sakit ng ulo sa akin. Ngayon ko na lang ulit naranasang magreport sa harap ng klase. Nakakaasar lang minsan ‘yung mga teacher na ang hilig magpagawa ng program na hindi naman ituturo kung paano. Mukhang timang. Buti ba naman sana kung gano’n sya kagaling magturo at gano’n kabilis pumik-up ang mga estudyante. Bad trip. May isang senaryo nga, hindi ko lang matandaan kung kelan. Sabi nung teacher namin sa Automata: “Pagagawin ko kayo ng Crawler pero hindi ko ituturo kung paano. Kayo na ang bahala.” Takte, kamusta ka naman ‘yun?

Pero kung mga  teacher na nagpapakulo na dugo ko eh meron din naman teachers na unang sabak pa lang ng klase eh tropa na kayo. Magaaan sa pakiramdam. Hindi ka makakaramdam ng takot kaya mas enjoy mo ‘yung buong lecture kaya swabe lang.

Anyway, second year pa rin ang standing ko sa school at medyo nanghinayang lang ako dahil ‘yung lihitimong classmates ko dati e third year na at sa bakasyon mag o-ojt na sila. Isang taon na lang at aalis na sila. Kaya mas lalo akong nagpupursige na kayanin ang hirap dahil kung sila nagawa nila dapat ako rin. Alam mo ‘yun, pang pa-good vibes sa sarili.

So, paano na? Nagpaparadam lang. Muntik ko na kasing makalimutan na blog nga pala ako. Hakhak. Hanggang sa sunod na pagkikita paalam! :) 

Monday, October 15, 2012

Keep calm and finish THE SEMESTER

Isang linggo na lang at matatapos na ang unang semestre at ngayon pa lang kinakabahan na ko kung magbubunga ba lahat ng pinaghirapan ko. Oh well wishing well, sana naman dahil sayang 'yung pera kung walang mangyayari. Susmaryosep! Lagot ako kay erptas kapag nagkataon. 


Bale, laboratory exam sa Digital Design bukas kaya kailangang magdoble kayod dahil nasisiraan ako ng bait sa subject na 'to. Aral, aral din. Bihira ko na tuloy ma-update ang aking mumunting blog dahil busy ako pagsusunog ng kilay at sa kadahilanang busy sa school. Buhay estudyante e. 

Tiwala lang at matatapos ko rin 'to. Kaya 'yan. :)

Push beybi! Push!