Thursday, July 5, 2012

Get Me To The World On Time

Habang naglalakad papunta sa direksyon ng eskwelahan --- nakasalubong ko si Ate Emy. Classmate ko sya sa kursong Bread and Pastries nung nag-enrol ako sa Tesda tatlong buwan na ang nakakaraan. Masaya syang kasama dahil sa mga kalokohang baon nya. Ayaw nya ring tinatawag syang mataba kaya kabilin-bilinan nya sa amin na kapag pupunta kami sa bahay nila e "Emy Sexy" daw ang alyas na ipagtatanong namin. Ang epic lang sa kwentong 'to e kabaligtaran ang kinahantungan. Nagkaroon lang kami ng kaunting panahon para magkausap at magkamustahan. Pagkatapos ng sandaling 'yun, nagpatuloy na kami sa kanya-kanyang daloy ng buhay.

Madalim ang langit at nagbabadya ng isang powerful na ulan. Pumasok tuloy sa isipan ko na baka mawalan ng klase dahil sa delubyong paparating pero nagising kaagad ako sa isang panaginip na sinisimulan ko pa lang. Boom! May klase! At ASCII Codes (8 bits) ang naging sentro ng talakayan. Nagbigay ng photo copy sa bawat estudyante patungkol sa pag-aaralan, humingi ng kabayaran na piso ang halaga, nagbigay ng maikling recitation at 1 up to 5 items na assignment na kailangan ipasa sa susunod na pagkikita, pumirma sa attendance at saka nag uwian.

P.S

Bago ako tuluyang umuwi dumaan muna ako sa SM Bacoor para bumili ng latest issue ng FHM kahit pa punung-puno ako ng pagaalinlangan dahil puro babae lang ng siete ang pasok sa 100 Sexiest Woman In The World. Isa pa, ayoko rin sa itinanghal na number one. Utot mo Neneng B!

No comments:

Post a Comment