Saturday, June 2, 2012

Overheard Convo

Sa loob ng barbershop. Narinig kong nagpalitan ng opinyon 'yung barbero at ginugupitan nya tungkol sa pelikulang pinapanood ng lahat. Pag gunaw ng mundo ang tema.

Customer: “Mangyayari talaga 'yang pinapanuod natin at tsaka malapit na 'yan.” Biglang nag open ng topic 'yung ginugupitan.

Barbero: “Paano mo nasabi? Hindi ako naniniwalang mangyayari 'yan. Sabihin mo 'yung dahilan mo at sasabihin ko 'yung sa akin.” Panimulang banat nung barbero.

Customer: “Mga sekta mo talaga!”

Barbero: “Hindi sekta ang tawag dyan. Ang tawag dyan kaalaman!”

Kahit hindi na sumagot 'yung ginugupitan tuloy pa rin sa pagsasalita 'yung barbero.

Barbero: “Ganito kasi ‘yan pare, hindi gugunawin ng Diyos ang mundo dahil kung gugunawin nya 'yun napaka walang kwenta nya. Bakit sya gagawa ng perpektong mundo kung sisirain nya rin lang naman pala. Diba? At isa pa, wala pa kong kinikilalang Diyos. Bakit? Dahil 'yung mga taong matagal ng nakakilala ang Diyos madali na 'yung mahahatulan. E kung nung una pa lang tumigil na ako sa pagsisirarilyo, pag-inom at pag-da-drugs edi sana kilala ko na ang Diyos. 'Yung mga tulad ko kasi puede pang mabigyan ng second chance. E 'yung mga nakakilala na hindi na!” 

Paliwanag nung barbero na talagang hindi nagpapatinag.

Biglang may sumabat na naghihintay na gupitan. “Pare, Villanueva ba epilyido mo? Ang daldal mo kasi!” At lahat sila nagtawanan. Maski ako.

Sa opinyon ko, iwasan nilang manood ng mga pelikulang the end of the world ang tema para silang mga palakang naulanan. Pero aaminin ko, eto ang masaya sa loob ng barbershop, ang pagpapalitan ng kuru-kuro sa kahit anong mga bagay. Mapa-politika, relihiyon, boxing o maging personal na buhay pa man ‘yan.

Kaya rin siguro na-imbento ang term na 'Kwentong Barbero.'

No comments:

Post a Comment