Monday, May 14, 2012

Nothing Lasts Forever

"Putang ina!"

"Pag namatay sya, magpapaputok ako ng kwitis!"

"Diablo sya!"

"Putang ina!"

'Yan ang mga salitang narinig ko kay Mang Boy habang nakaupo ako sa labas ng bahay kahapon. Wala syang humpay sa kakamura sa sarili nyang asawa habang wala ito para bumili ng kung ano man para sa munti nilang pinagkakakitaan. Pinilit kong hindi sya pakingan pero talagang tumatatak sa utak ko ang bawat masamang salitang lumalabas sa bibig nya. Pinilit ko ring hindi sya tingnan pero hindi ko maiwasan. Halong awa at takot ang nararamdam ko habang titingnan sya ng mga sandaling 'yun.

Kung hindi ako nagkakamali 60+ nasi Mang Boy, nastroke sya dati kaya kalahati ng katawan nya paralisado kaya sa madaling salita, isa na syang alagain o inutil ayon sa lenggwahe ng asawa nya. Hindi na rin basta-basta nakakakilos ang matanda kung walang umaalalay. Malabo na ang mata nito kaya hirap ng makaaninag. Unti-unti na ring nagiging ulyanin dahil nakakalimutan na nya ang mga pangalan ng mga tao sa paligid nya. Maliban na lang siguro sa babaeng pinili nyang makasama habambuhay na madalas nagiging diablo kapag nakakagawa sya ng kapiranggot na kasalanan ayon na rin sa kanya.

Hindi ko tuloy maiwasang mapa-isip kung bakit naging ganito ang kinahinatnan ni Mang Boy. Naging masama ba syang asawa o padre de pamilya? Walang ba syang nagawang mabuti nung kabataan nya? Dahil kung wala e ang malas naman nya. Pero mas masakit tanggapin na 'yung taong pinili mong makasama habambuhay e hindi pala kasiguraduhan na mamumuhay kayo ng happily ever after dahil baka sa isang iglap biglang magbago ang lahat at kahit simpleng obligasyon bilang asawa e hindi pa maibigay. Er.

P.S

Habang nagta-type naririnig ko na naman silang nagrarambol. Okay, one point para sa mga takot sa responsibilidad at piniling hindi mag-asawa. Mabuhay ang mga single! 

No comments:

Post a Comment