Saturday, May 12, 2012

Nesang

Wala akong inaaasahang bisita nung araw na dumating sya pero habang nasa harap ng computer bigla akong nakarinig ng isang malakas, maligalig at pamilyar na boses ng isang babae. 

Ay anak ng tokwa, si Nesang nasa bahay!

"Oi! Lumabas ka dyan!" pumasok si Nesang sa kwarto habang may karga-kargang bata.

Syempre nagulat ako at hindi ko alam kung ano bang una kong papansinin. Sya ba o 'yung batang kalung-kalong nya. Ni hindi ko nga sya nabati dahil nagulat talaga ako. Matagal na panahon na rin ang nakalipas simula nung huli ko syang nakita. Kung hindi ako nagkakamali fourth year high school pa nung huling na nagkita kami.

Childhood friend ko si Nesang, madalas kaming magkasama kapag may gagawin sya dahil madalas nya akong sinasama. Sa pagsisimba, sa pagbisita sa mga classmate na tumigil sa pag-aaral at tuwing pasko, sa pangangaroling. Maingay syang babae. Hindi sya 'yung tipo ng babae na mahinhin kung gumalaw. Payat na medyo matangkad. Laging naka-ponytail, t-shirt, pantalon at tsinelas ang laging porma kapag aalis. Wala naman akong naaamoy ng signature scent nya kapag magkasama kami, madalas pulbo ang naaamoy ko. Pantay naman lahat ng ngipin nya. Medyo bilugan ang mga mata, may kalaparan ang noo dahil na rin siguro sa kakahagod ng buhok patalikod. Masaya naman syang kasama, 'yung nga lang ma-tropa syang tao. Lahat ata ng taong hindi ko kilala sa subdivison namin kilalang-kilala nya. Oopss! Tama na para sa short description ko sa kanya.

Balik sa totoong kwento ko. Napatayo ako sobrang gulat. Bigla naman nyang iniabot sa akin 'yung dala-dala nyang bata.

"Anak ko 'yan. Dali, kalungin mo!" lumabas ng kwarto at naiwan sa akin 'yung anak nya.

Natutulala ako habang kalung-kalong ang anak nya na nakatigig sa kin. Clueless at medyo awkward sa pakiramdam kaya naman naisipan kong i-shut down agad ang computer, lumabas ng kwarto para ibalik sa kanya ang bata. Pagpunta ko sa sala nakita ko ang buo nilang pamilya na naka-upo. Nandun 'yung iba pa nyang kapatid at ang mala-alamat nyang Nanay. 'Wag mo ng itanong kung bakit ko nasabing mala-alamat. Naging maingay ang loob ng bahay namin sa ilang minuto nilang pagbisita. Nagkamustahan, nagkayayaang lumabas pero hindi rin natuloy.

Kung susukatin ang nararamdam ko ngayon mas nagulat ako nang nakita ko sila kaysa nasiyahan. Kagulat-gulat din kasi 'yung balita na may anak na si Nesang kaya mas lalo akong naguluhan sa nararamdam ko. Anyway, tama na para dito. 

No comments:

Post a Comment