Ito ang unang araw nang pasok ko sa Tesda. Medyo kinabahan ako nung una dahil hindi ako sigurado kung magugustuhan ko talaga yung kursong kinuha ko, sabi ko nga kasi Bartending talaga 'yung gusto ko pero sa hindi inaasahang pagkakataon... nag-enjoy ako.
Ala una ng hapon ang call time. 12:35PM nakasakay na ako ng jeep at bayad na rin ang pamasahe. Habang sitting pretty na ako sa pagkaka-upo biglang tumawag si J para kumbinsihin ako na sabay na lang kaming pumasok tutal naman raw mag classmate kami. Syempre nung una hindi ako pumayag dahil mahal ang bayad sa pamasahe. Pero dahil may amazing skills sya pagdating sa pagkukumbinsi na madalas tumatalab sa akin at sabi rin naman nya ililibre nya ako, ayun pumayag naman ako. Nagkita kami pagkatapos ng kinse minutong paghihintay sa kanya. 12:55PM na kami nakasakay ng jeep kaya naman sa madaling salita late kami. Kinabahan rin ako nung naglalakad na kami papunta sa aming destinasyon. Pakiramdam ko kasi papasok ulit ako sa eskwelahan na matagal ko ng inayawan. Kung hindi mo kasi naitatanong, malapit lang 'yung Tesda sa eskwelahan na pinapasukan ko hanggang ngayon. Isang liko lang, andun kana. Kaya habang naglalakad ako kini-kilabutan rin ako. (Tama na ang kadramahan. The end. Lol.)
Anyway, pagpasok namin ni J sa room nagulat ako. Nagulat ako dahil puro may edad na ang magiging mga kaklase ko sa susunod na tatlong buwan. Meron nasa 30's, 40's at 50's ang edad, 'yung isa ngang estudyante buntis pa. Pero ang matindi pa dito ako lang ang nag-iisang lalaki na nandun at nag-enrol sa kursong 'yun. Grabe, ang lupit, hindi ko akalain na magiging ''only boy in the room'' ang magiging sitwasyon ko sa susunod na apat na oras. Kakaiba sa pakiramdam. Isipin mo na lang kasi, hindi ito ordinaryong eskwelahan, oo alam ko ang pagkaka-iba ng normal na unibersidad sa paraalan ng mga taong bored lang kaya gusto ng mapaglilibangan. 'Yun tipong gustong maiba ng kaunti ang pang araw-araw na gawain. Iba e. Iba sa pakiramdam. Sa isang araw palang na 'yun pakiramdam mo kilalang-kilala mo na sila. Parang sobrang tagal nyo ng makaibigan at ang astig pa dito e parang magka-edad lang kayo. Iba't-ibang kwentuhan na medyo may pagka-green pero lahat ng 'yun nauuwi sa tawanan. Ang saya lang. Ang saya kapag matatanda ang kasama at kaibigan. Parang andami-dami mong matutunan.
Tinuruan kami kung paano gumawa ng Crinkles at Pineapple Carrot Cake. Una namin ginawa 'yung Crinkles, pangalawa yung Pineapple Carrot Cake. Hindi ko na idi-detalye pa kung paano niluto o binaked baka kasi abutin pa 'to ng panghabang-buhay. Nalaman ko din 'yung sistema na ipinapatupad kapag maghahati-hati na kayo sa ginawa nyo. Kanya-kanya ng hatian kung baga. Bibilangin muna nila lahat ng crinkles na nagawa sa araw na 'yun. Kung hindi ako nagkakamali 143 pcs. lahat-lahat ang crinkles na ginawa nang tatlong grupo na pinaghatian naman ng 25 ka-tao. Syempre, kasama na ako dun. Bale, ganun ang sistema pagdating sa hatian ng Pineapple Carrot Cake.
Well, ito na 'yun. Equally divided. Yum! |
'Yun nga lang, tag-iisang slice lang lahat. Bitin!
No comments:
Post a Comment