Wednesday, December 26, 2012

Solo Playt

Gusto ko na sanang matulog pero ayaw akong patahimikin ng utak ko kaya heto't nagsusulat ako. Kumain ako kanina ng Ferrero Rocher dahil tom jones na talaga ko. Binigay 'yun ng pinsan ko habang naghuhugas ng kawali at sabi nya 'yun na ang pamasko niya sa akin. Syempre matik agad 'yung thank you.

Maiba lang ako, mamaya aalis 'yung kapatid at pinsan papuntang Oriental, Mindoro dahil do'n sila magpapasko at magbabagong taon. Sagot ni tito 'yung pamasahe nila. Uuwi rin 'yung bunso kong kapatid na bababe pero this time 'yung tita ko naman ang manlilibre sa kanya. Well, kung may magtatanong kung kasama ba ako e pasensya dahil hindi ang sagot ko. Walang nagyaya sa akin kaya kaming tatlo lang sa bahay nila erpat ang magce-celebrate ng christmas at new year, na okay lang naman dahil may chance na kong mag feeling "only child" sa bahay.

Mas madaling maka-score ng pang gala dahil wala akong kaagaw.

(Bella Flores laugh)

2 comments:

  1. Mag-isa na pre! Wala ng kaagaw! Haha. Pero gusto mo rin bang magbakasyon dun?

    ReplyDelete
    Replies
    1. gusto ko talagang magbakasyon do'n. ang totoo nyan 'tol e nandito na ko sa mindoro habang nare-reply ako sa comment mong 'to. :D

      Merry christmas sa'yo 'tol!

      Delete