Tuesday, December 4, 2012

Long time, No See

Maaga akong umuwi galing sa school ngayong araw kaya naisipan ko magkwento muna ng mga nangyari sa buhay ko nitong mga nakalipas na linggo. Masyadong maraming aksyon at muntik na kong hindi makabangon sa mga bakbakan na madalas eh sa school nangyari.

Ngayon ko na lang ulit naranasan magkaroon ng 7AM to 7PM schedule na patayan. Ngayon ko na lang ulit nasariwa ang kaalaman ko sa C++ at Java Programming na medyo nagbibigay sakit ng ulo sa akin. Ngayon ko na lang ulit naranasang magreport sa harap ng klase. Nakakaasar lang minsan ‘yung mga teacher na ang hilig magpagawa ng program na hindi naman ituturo kung paano. Mukhang timang. Buti ba naman sana kung gano’n sya kagaling magturo at gano’n kabilis pumik-up ang mga estudyante. Bad trip. May isang senaryo nga, hindi ko lang matandaan kung kelan. Sabi nung teacher namin sa Automata: “Pagagawin ko kayo ng Crawler pero hindi ko ituturo kung paano. Kayo na ang bahala.” Takte, kamusta ka naman ‘yun?

Pero kung mga  teacher na nagpapakulo na dugo ko eh meron din naman teachers na unang sabak pa lang ng klase eh tropa na kayo. Magaaan sa pakiramdam. Hindi ka makakaramdam ng takot kaya mas enjoy mo ‘yung buong lecture kaya swabe lang.

Anyway, second year pa rin ang standing ko sa school at medyo nanghinayang lang ako dahil ‘yung lihitimong classmates ko dati e third year na at sa bakasyon mag o-ojt na sila. Isang taon na lang at aalis na sila. Kaya mas lalo akong nagpupursige na kayanin ang hirap dahil kung sila nagawa nila dapat ako rin. Alam mo ‘yun, pang pa-good vibes sa sarili.

So, paano na? Nagpaparadam lang. Muntik ko na kasing makalimutan na blog nga pala ako. Hakhak. Hanggang sa sunod na pagkikita paalam! :) 

4 comments:

  1. As regards dun sa Crawler, hindi ba kayo puede mag report sa student body para i-confront yung teacher? Student councils were created not just for school festivals at kung anu-anong chuvaness. But they were created to become the voice of the students, lalu na sa mga malalaking schools. They are the face of the nameless myriads. Hay nako, sa student council pa lang, kita mo nang parang traditional politician ang pagtatrabaho.

    Sobrang unfair naman nung teacher na yan. Kaya nga siya nandyan eh, para magturo, hindi para utusan ang mga estudyanteng alamin mag-isa ang mga bagay na hindi pa nila alam.

    Wag ka na rin mag-alala kung may nauna sayo. Tandaan mo, maraming nauuna na nahuhuli, marami din naman nahuhuli na nauuna. Totoo yan. I used to be the top-notcher of the class. Tanda ko, may classmate akong tinuturuan sa English lesson namin. Ngayon, nasaan ako? I'm light-years away from college habang yung bobo noon sa english eh nasa management na ng isang hotel sa New York. Isipin mo yon?

    Hindi ko lang tanda kung naikwento ko na ito noon sa mga comments ko dito, but anyway, inuulit ko na rin just to encourage you.

    I hope makahanap kayo ng bahay ulit as soon as possible, and may things be easy for your family.

    Ciao!

    ReplyDelete
    Replies
    1. napangiti ako habang binabasa 'yung comment mo mr. tripster. salamat. ;)

      Delete
  2. "‘yung mga teacher na ang hilig magpagawa ng program na hindi naman ituturo kung paano." Sapul! Ito din yung kinaiinisan ko dati sa Web prog.

    Eniwey, tama si Mr. Tripster, ako nga 3 years late sa mga kabatch ko sa Engineering. Pero kung mananatili ka sa mga bagay na yun. Lalo ka lang mawawalan ng gana mag-aral.

    Sana makahanap kayo kagad ng malilipatan. Geh pre, ingat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nakakainis talaga 'yung mga ganong prof parekoy! HAHAHA.

      salamat pre! ingat rin! :)

      Delete