Sunday, January 1, 2012

Start Of Something New

Isang taon na ang lumipas. Maraming nangyari pero kadalasan nanatili akong tahimik at walang kibo. Hindi ko man masabing personal na desisyon yun, hindi ko nga alam kung bakit ko sinabing ''personal'' kung hindi ko naman kayang pakahulugan o bigyan ng depenisyon. Basta naturuan ako nito ng isang leksyon.

Sa nagdaang taon, mas pinili kong sarilinin ang problema ko. Mas pinili kong hindi ipaalam sa ibang tao lalo na sa sarili kong mga magulang ang mga bagay-bagay na pinagdadaanan ko. Mas pinili kong hindi sabihin para wala ng sermon o anumang gulong mangyari. Pero dun ko napagtanto na isang malaking pagkakamali pala yun. Naisip ko na kapag may problema ka at hindi mo kayang i-handle ng ikaw lang, wag kang matakot na humingi ng tulong sa iba lalung-lalo na sa pamilya mo. Hindi ka man kasi nila maunawaan sa umpisa at maging ikaw sa kanila darating at darating kayo sa punto na magkakaintindihan din kayo. It takes time kumbaga. Sa nagdaang taon yan ang isang bagay na natutunan ko. Sa totoo lang, madami naman talaga e pero yan na yung pinaka.

Uhm...kaya ko pala ginawa ang blog na 'to dahil naisip ko na mas magiging makabuluhanang taon na 'to para sa akin kung sa pagsusulat ko ilalahad ang mga nararamdam ko. Susubukan ko. (?) Isa rin kasi ito sa mga new year's resolution ko e. Medyo nahirapan lang akong paghiwa-hiwalayin yung mga bagay na gusto ko kaya naman napagdesisyunan kong pagsama-samahin na lang lahat. Oh, game!

(1.) Makapag-ipon hangga't maari para kapag nagkaroon na ako ng sapat na pera mabili ko yung mga bagay na pinag-lalawayan ko. (2.) Makapagdesisyon kung itutuloy ko ba ang pagshi-shift ng ibang kurso at kapag humantong na ako sa isang desisyon sana suportahan ako ng magulang ko. (3.) Iwasan ang pag-absent sa susunod na tatlong buwan dahil tutal naman dalawang beses sa isang isang linggo at apat na oras lang ang klase ko sa tesda. (4.)  Magbawas ng timbang. (5.) Hinding-hindi na ako manonood ng o magbubukas ng kahit anong porn site sa computer namin sa bahay. Natuto na ako! (6.) Iiwasan ko na rin ang masyadong pagmumura lalo na kapag galit o nagugulat ako. (7.) Mas magiging responsable akong kuya. (8.) Papahalagahan ko ang bawat araw na kasama ko ang aking pamilya. (9.) At panghuli ang makapagsimba kahit isang beses man lang sa simbahan ng Baclaran.

Sa ngayon lang muna ang gusto kong gawin. Alam ko kasi na disiplina at pagiging organisado ang ka-kailanganin para matupad yan.

Happy New Year!

No comments:

Post a Comment